PVE 1500 / PVE 1501: 1500W Relay Type AVR, Output 220V AC
$59.7
$105.67
Good day! Thank you for your inquiry. If napapansin niyo po ito during the times na nagwewelding ang kapitbahay ninyo, malaki ang likelihood na ang voltage supply na nakukuha ninyo ay sobrang baba sa oras na ito, at hindi nakakayanan ng AVR iakyat hanggang 220V. Malakas kasi talaga kumuha ng kuryente ang welding. Ang acceptable input voltage range ng PVE 1500 namin ay 180V – 250V AC. Ibig sabihin, kapag mas mababa sa 180V AC ang pumapasok na kuryente, inaakyat parin ng AVR ang voltage pero hindi aabot sa 220V sa sobrang baba ng input voltage na pumapasok. Options: 1. If minsan lang magwelding ang kapitbahay niyo, o pansamantala lang dahil ginagawa ngayon. I suggest you turn off the refrigerator and other appliances during this time para mas sigurado, kasi kapag sobrang baba talaga ng voltage, nakakasira ito sa appliances in the long run 2. If laging nagwewelding ang inyong kapitbahay, check niyo kung gaano kababa ang voltage na nakukuha ninyo sa oras na ito. Pag alam na ninyo, pwede po kayo bumili ng AVR na mas malaki ang acceptable input voltage range. Halimbawa: Ang acceptable input voltage range ng aming PVR 1500 ay 150V to 250V AC. Link to PVR 1500: https://panther.ph/product/pvr-1500-relay-type-avr/ Kapag may iba pa kayong tanong, please feel free to message us directly either through email [email protected] o through FB https://www.facebook.com/pantherproducts/
Automatic Voltage Regulator